Saturday, October 17, 2009

my horror trip to the hospital....

"miss... miss... kaya mo bang tumayo?? OH! TULONG DAW DITO O!"



muli... nagising na naman akong punong puno ng malamig na pawis.... hilong hilo... pero hindi sa kung anong dahilan na dapat ika hysterical ng mga tao.... hindi pa ako mamamatay... matagal pa... kasi wala pa akong napapatunayan....

back to my alone trip to the hospital.... :D

hindi ko na kinailangan ng strecher papasok ng ER ng ospital... pero hinatak ako ng mga tao palabas ng jeep.... (nasa likod kasi ako ng drayber... malayo sa pinto..) hindi ko maipaliwanag yung sakit na naramdaman ko eh... basta ang naaalala ko na lang... hilong hilo ako at namimilipit ako sa sakit ng puson ko..... wala namang ginawa sakin yung mga tao dun.... at kahit hilo ako... naisip ko... bakit kaya hindi ito tulad nung sa ibang ospital? sa ibang ospital... pagpasok ko pa lang ng ER mga apat na nurse na nakapalibot sa kin para lang kunin yung vitals ko... eh dun sa pinagdalhan sa kin?? tinanong lang nila ako kung anong pangalan at edad ko...

mga isang oras akong ikot ng ikot sa upuan na yun... hindi ko alam kung anong klaseng upo ba ang gagawin ko para maipit yung tyan ko at tumigil sa pagsakit.... sabi ko sa sarili ko... kahit konti lang.... mawala lang to ng 10 mins. aalis na ko sa ospital na to... sinubukan kong tumayo.... pinigil nila ko nung una pero.... after my 4th attempt.... nagsawa rin sila... TAGUMPAY AKO... medyo groggy pa ako nun... as in basa pa yung likod ko, buhok ko... sabihin na lang nating mukha akong bagong ligo at hindi na gumamit pa ng twalya.... sa kasawiang palad.... hindi ako nakapag dala ng panyo nun.... pero.... confident pa rin ako.. inikot ko yung first floor ng ospital.... hinahanap ko kasi yung banyo.... NAGTAGUMPAY AKO! NAKITA KO... kaya lang.... walang handle yung pinto.... walang lock at walang butas... gumagana yung flush, may tubig yung timba pero ang tabo eh yung small nissin cup na hinugasan lang din siguro dun....

nadaanan ko lahat ng tao na naka stretcher... wala man lang divider yung mga patiente.... walang dangal yung charity ward para sa mga tao dun... napakaraming tao sa ospital na yun... naisip ko... masyado ng maraming problema mga tao dito... hindi naman seryoso ang sakit ko eh... isa pa... wala namang pumapansin sakin dito... alis na ko... :D

sinubukan kong umalis... at dahil sinabi kong sinubukan..... syempre... nabigo ako... hehehe.... pero syempre hindi ako magpapatalo... medyo hilo pa ako nun... at sabi nung nurse na kausap ko sa desk... namumutla daw ako... ewan ko... pero ayaw niya akong paalisin... sabi ko kailangan na... kaya tinatakan niya ako ng "ER12" meaning galing ako ng ER at pupunta ako sa room 12.. sabi niya... mag pa presyon muna daw ako... 10 minutes bago ako nakakausap ng matinong nurse.... sinabi ko ang layunin ko... tapos... hinanda na niya yung pang BP... okay lang maghintay eh... kaya lang 5 minutes na... hindi pa nagsisimula... sabi nung isang duktor dun.. "wag mo na gamitin yan... sira na yan...." at sinagot naman sya nung duktor na kinakalikot pa rin yung pang BP... "pweede pa to..."... naisip ko... binigo na naman ako ng gobyerno... bakit walang matinong gamit yung mga tao dito? bakit siksikan? bakit walang matinong pinto? bakit walang divider? bakit hindi gumagalaw yung mga nurse dito at ang dami pang pinapagawa at tinatanong... samantalang.... nasa EMERGENCY ROOM kaming lahat? ano ba naman to... walang matinong pasilidad... walang matinong tao.... hindi ko masisi yung mga nurse eh... biktima rin lang naman sila.... kawawa nga lang talaga.... yung mga... patiente.... siguro... magkaka trauma sa ospital ang batang mako konfayn dun... kawawa naman....nakuhaan ako ng BP... finally!!! after 45 minutes ng kalikutan at kulitan ng mga nurse.... 90-60 daw.... doubtful ako... aaminin ko...malay ko ba kung mali yun! pero nahihilo talaga ako... hindi nila ako binigyan ng gamot... walang reseta... walang clearance... walang papel...pagkatapos nun nag alisan na yung makukulit na nurse kaya naisip ko... baka pwede na akong umalis...


nagpaalam ako dun sa nurse sa front desk, sinabi ko sa kanya yung BP ko tas umalis na ko... pinigilan niya ko pero.... ayokong manatili sa ospital... lalu na sa ganung lugar... lumabas ako... umuulan.... wala pa naman akong payong... nagmakaawa ako sa mga taong may payong kung pwede maki sukob.... kaya lang... walang pumayag... so... naghalo na yung pawis ko at ulan... malakas pa naman ang hangin... maginaw.... ayoko ng maginaw... hinihntay kong may dumaan na byaheng divisoria dun... kaya lang 30 minuto na ang nakakalipas... dalawa pa lang ang dumadaan tapos punuan pa... naalala kong alam ko yung lugar na yun... hinanap ko yung sakayan ng pritil-hermosa dun... sumakay ako... nagbayad... at ang mga sumunod na nangyari ay.... pinalo ako ng tatay ko ng hawak niyang dyaryo sa dyip... coincidence na nakasabay ko sya... sa isip isip ko... sayang sais ko... tsk tsk.... todo kuwento ako tungkol sa mga narealize ko...

hanggang makarating kami sa bahay.....


=karol hernandez=

No comments:

Post a Comment