Thursday, February 12, 2009

hindi ko mapigilang mag isip..

siguro ang pinakamasakit na mangyayari sa akin ay ang palayuin ako sa bagay na minahal ko... ang pagbago sa nakasanayan ko...


ayokong umalis ng the catalyst... kahit isipin... ayoko... gusto ko ng manatili dito mula pa nung malaman kong natanggap ako.. mas lumalim pa ang pagkagusto ko nung umalis yung kasama ko at naiwan ako... napaisip ako.. mula nuon.. alam kong hindi ko siya tutularan.. mananatili ako at kakayanin ko dahil ginusto ko ito.. ito ang gusto ko... ito... para akong nagmamahal ngayon... di ko mapigilan ang pag apaw ng aking emosyon... gusto kong ibigay ang lahat lahat para dito.. para sa mga paniniwala ko... pinagliwanag nila ako... itinataas at pilit ibinabangon tuwing nanghihina at sumusuko.. ang tanging kinatatakutan ko na lang sa ngayon ay kung bibitiw sila... ayokong isipin... wag naman.. wag sana muna silang magsawa... wag muna...

Thursday, February 5, 2009

patay na si nena...

pumipiglas, Lumalaban, nanghihina at nawalan ng malay....

(boses ng isang reporter)

natagpuan ang katawan ng isang kinikilalang disisais anyos na si nena, sa ilalim ng tulay dito sa escolta, halos malamog ang katawan ng bata dahil sa mga tinamo nitong pasa at sugat sa katawan at sa hita, pinaghihinalaan ng mga pulis na ang batang ito ay biktima ng pang gagahasa at walang habas na pagpatay ayon sa mga saksi ay mayroon nga daw batang sigaw ng sigaw sa pangalan ng kanyang ina at makaraan ang ilang sigundo ay nakarinig sila ng isang malakas na sigaw at bigla itong tumigil... "alam naman ho namin na may nangyayari na, pero ayaw na namin madamay, normal na rin naman kasi dito yan kaya aksaya lang rin sa oras.." yan ang pahayag ng isang ale na ayaw magpakilala."


"ang aking anak.. ang kawawa kong anak..." halos madurog ang puso ni aling kristina habang nakaupo sa malamig na semento ng kalsada habang yakap ng dalawang kamay ang duguang katawan ni nena... "kaawa awa naman itong nanay na to.." naisip isip ko habang kausap ko ang chief ng aming police station.. ibinaba na sa amin ang utos na dalhin sa ospital ang katawan para magawan ng otopsy pero nung sinabi ko na kay aling kristi ang gusto naming gawin ay bigla itong naghuramentado, nagwala at nagsisisigaw ito.. "mga walanghiya kayo!!! saan niyo dadalhin ang anak ko? anong otopsy pa ba ang gagawin niyo? alam ko ang otopsy na yan... gagawan niy0 ng kung ano anong test ang katawan ng anak ko!!! patahimikin niyo na siya.. lamog na ang katawan niya!!!" patuloy si aling kristi sa pagsigaw at pagwawala... malapit na kaming mawalan ng pag asa at tuluyan ng isuko ang kaso tutal ayaw naman makipag tulungan ng pamilya ng bata kaya lang biglang dumating si mang nestor, nagpakilala siya sa mga bataan ko bilang ama ng bata, ng marinig ko ito ay agad kong sinabi sa kanila na papasukin siya at tulad ng inaasahan, dali dali nitong tinakbo ang nagwawala niyang asawa at niyakap ito.

hindi na ako nagsayang ng oras... tinanong ko agad si mang nestor kung pwede siyang makausap ng sarilinan, pinahintulutan naman niya ako, lumayo kami ng kaunti kay aling kristi at sa katawan, sinabi ko agad ang pakay ko sa kanya at sa katawan... panandaliang kumunot ang noo niya na para bang nagiisip at makalipas ang limang minuto ay nagsalita siya.. "basta isoli niyo ang anak ko.." yun ang mga sinabi niya... napatigil ako ngunit tumango rin pagkatapos, hinawakan niya ang kanyang asawa at sinabing gawin namin ang dapat naming gawin... naging maingat naman kami hanggang sa maisakay ang katawan sa ambulansya... hinding hindi ko makakalimutan ang mukha ng mag asawang iyon... muli ko silang tinapunan ng tingin bago ako tuluyang sumakay sa patrol car namen... hawak ni aling kristi ang kamay ng kanyang asawa habang isinusubsab ang lumuluhang mukha sa dibdib ni mang nestor na nuong mga panahong iyon ay nakakapit din sa kanyang asawa habang bumubulong ng mga salitang di ko na marinig... pero alam kong pinalalakas lang nito ang loob ng babae... nakikita ko ang hingpis ni mang nestor.. nakikita ko sa mapupula niyang mgata na pinipigilan niyang lumuha lalo't sa harap ni aling kristi...

>>>to be continued