\ako ay tulad ng isang saranggola;
saranggolang bihirang mapalipad;
hindi pinapansin sa isang madilim na sulok;
nadudumihan, nahihirapan.
ako ay tulad ng isang saranggola;
nangangarap lumipad ng mataas;
lumapit at sa wakas ay halikan ang mga ulap;
ganyan katayog ang aking pangarap.
ako ay tulad ng isang saranggola;
ang aking katawan ay ginawa sa pagbaluktot ng kahoy;
at ang panlabas ay tinakpan ng makukulay na papel;
napakaganda, pero para sa iba ay "pwede na".
ako ay tulad ng isang saranggola;
na kapag lumipad ay nakatali;
na kapag lumipad ay nakikipag sabayan sa hangin.
pero tulad nga ba ako ng isang saranggola na hindi lilipad pag walang hangin?
ayokong maging isang saranggola;
ayokong manatiling "pwede na"
na ang aking pangarap ay imposibleng aking makuha
ayoko nang maging isang saranggola.
ayoko nang maging isang saranggola;
gusto kong lumipad ng mataas at makarating sa lugar na aking pangarap
gusto kong ipagmalaki ng aking manggagawa
hindi ako saranggola na "pwede na" ako ay saranggolang "ako na!"
No comments:
Post a Comment