Saturday, October 17, 2009

my horror trip to the hospital....

"miss... miss... kaya mo bang tumayo?? OH! TULONG DAW DITO O!"



muli... nagising na naman akong punong puno ng malamig na pawis.... hilong hilo... pero hindi sa kung anong dahilan na dapat ika hysterical ng mga tao.... hindi pa ako mamamatay... matagal pa... kasi wala pa akong napapatunayan....

back to my alone trip to the hospital.... :D

hindi ko na kinailangan ng strecher papasok ng ER ng ospital... pero hinatak ako ng mga tao palabas ng jeep.... (nasa likod kasi ako ng drayber... malayo sa pinto..) hindi ko maipaliwanag yung sakit na naramdaman ko eh... basta ang naaalala ko na lang... hilong hilo ako at namimilipit ako sa sakit ng puson ko..... wala namang ginawa sakin yung mga tao dun.... at kahit hilo ako... naisip ko... bakit kaya hindi ito tulad nung sa ibang ospital? sa ibang ospital... pagpasok ko pa lang ng ER mga apat na nurse na nakapalibot sa kin para lang kunin yung vitals ko... eh dun sa pinagdalhan sa kin?? tinanong lang nila ako kung anong pangalan at edad ko...

mga isang oras akong ikot ng ikot sa upuan na yun... hindi ko alam kung anong klaseng upo ba ang gagawin ko para maipit yung tyan ko at tumigil sa pagsakit.... sabi ko sa sarili ko... kahit konti lang.... mawala lang to ng 10 mins. aalis na ko sa ospital na to... sinubukan kong tumayo.... pinigil nila ko nung una pero.... after my 4th attempt.... nagsawa rin sila... TAGUMPAY AKO... medyo groggy pa ako nun... as in basa pa yung likod ko, buhok ko... sabihin na lang nating mukha akong bagong ligo at hindi na gumamit pa ng twalya.... sa kasawiang palad.... hindi ako nakapag dala ng panyo nun.... pero.... confident pa rin ako.. inikot ko yung first floor ng ospital.... hinahanap ko kasi yung banyo.... NAGTAGUMPAY AKO! NAKITA KO... kaya lang.... walang handle yung pinto.... walang lock at walang butas... gumagana yung flush, may tubig yung timba pero ang tabo eh yung small nissin cup na hinugasan lang din siguro dun....

nadaanan ko lahat ng tao na naka stretcher... wala man lang divider yung mga patiente.... walang dangal yung charity ward para sa mga tao dun... napakaraming tao sa ospital na yun... naisip ko... masyado ng maraming problema mga tao dito... hindi naman seryoso ang sakit ko eh... isa pa... wala namang pumapansin sakin dito... alis na ko... :D

sinubukan kong umalis... at dahil sinabi kong sinubukan..... syempre... nabigo ako... hehehe.... pero syempre hindi ako magpapatalo... medyo hilo pa ako nun... at sabi nung nurse na kausap ko sa desk... namumutla daw ako... ewan ko... pero ayaw niya akong paalisin... sabi ko kailangan na... kaya tinatakan niya ako ng "ER12" meaning galing ako ng ER at pupunta ako sa room 12.. sabi niya... mag pa presyon muna daw ako... 10 minutes bago ako nakakausap ng matinong nurse.... sinabi ko ang layunin ko... tapos... hinanda na niya yung pang BP... okay lang maghintay eh... kaya lang 5 minutes na... hindi pa nagsisimula... sabi nung isang duktor dun.. "wag mo na gamitin yan... sira na yan...." at sinagot naman sya nung duktor na kinakalikot pa rin yung pang BP... "pweede pa to..."... naisip ko... binigo na naman ako ng gobyerno... bakit walang matinong gamit yung mga tao dito? bakit siksikan? bakit walang matinong pinto? bakit walang divider? bakit hindi gumagalaw yung mga nurse dito at ang dami pang pinapagawa at tinatanong... samantalang.... nasa EMERGENCY ROOM kaming lahat? ano ba naman to... walang matinong pasilidad... walang matinong tao.... hindi ko masisi yung mga nurse eh... biktima rin lang naman sila.... kawawa nga lang talaga.... yung mga... patiente.... siguro... magkaka trauma sa ospital ang batang mako konfayn dun... kawawa naman....nakuhaan ako ng BP... finally!!! after 45 minutes ng kalikutan at kulitan ng mga nurse.... 90-60 daw.... doubtful ako... aaminin ko...malay ko ba kung mali yun! pero nahihilo talaga ako... hindi nila ako binigyan ng gamot... walang reseta... walang clearance... walang papel...pagkatapos nun nag alisan na yung makukulit na nurse kaya naisip ko... baka pwede na akong umalis...


nagpaalam ako dun sa nurse sa front desk, sinabi ko sa kanya yung BP ko tas umalis na ko... pinigilan niya ko pero.... ayokong manatili sa ospital... lalu na sa ganung lugar... lumabas ako... umuulan.... wala pa naman akong payong... nagmakaawa ako sa mga taong may payong kung pwede maki sukob.... kaya lang... walang pumayag... so... naghalo na yung pawis ko at ulan... malakas pa naman ang hangin... maginaw.... ayoko ng maginaw... hinihntay kong may dumaan na byaheng divisoria dun... kaya lang 30 minuto na ang nakakalipas... dalawa pa lang ang dumadaan tapos punuan pa... naalala kong alam ko yung lugar na yun... hinanap ko yung sakayan ng pritil-hermosa dun... sumakay ako... nagbayad... at ang mga sumunod na nangyari ay.... pinalo ako ng tatay ko ng hawak niyang dyaryo sa dyip... coincidence na nakasabay ko sya... sa isip isip ko... sayang sais ko... tsk tsk.... todo kuwento ako tungkol sa mga narealize ko...

hanggang makarating kami sa bahay.....


=karol hernandez=

hamon sa kabataan...

Isang Pagtatangka



Nitong nakaraang Mayo ay nagsama-sama ang mga anak ng ilang manggagawa sa U.P. Diliman-Solair para mapagusapan ang tangkang pagbuo ng isang organisasyong maka-manggagawa at sumasandal sa simbahang katolika para sa mga kabataan. Nagmula ang mga kabataan sa iba’t ibang unibersidad na kanilang pinapasukan, tulad ng Lyceum University of the Philippines (cavite), Polytechnic University of the Philippines (sta. mesa), Ateneo De Manila, at University of the Philippines-Diliman at ilang Kabataan mula sa Antipolo. Naging isang malaking hamon ito para sa mga kabataan dahil kailangan talaga maglaan ng oras at pagod sa bagay na ito, gayunpaman tinanggap ng mga kabataan ang hamon na maitayo ang organisasyon na ito na tinawag na LABOREM YOUTH na mula na rin sa pangalan ng LABOREM.


LAYUNIN




Naniniwala ang LABOREM YOUTH na pagkatapos ng pag-aaral sa kolehiyo ay magiging parte na rin ng “working community” ang mga nagsipagtapos, kahit pa, ang ilang mag-aaral ay nagtatrabaho na para may maipambayad sa matrikula sa eskwela na tinatawag na working student ang iba naman ay hindi na nakakapagkolehiyo at nagtatrabaho na lang. naniniwala ang LABOREM YOUTH na ang mga kabataan ang susunod na papalit sa mga manggagawa ng kasalukuyan kaya’t dapat lamang na matutunan ng mga kabataan ang Labor Rights para hindi sila mapabilang sa milyong milyong manggagawa na napagsasamantalahan na lingid sa kanilang kaalaman. Naniniwala din ang laborem youth sa nararapat lang na mabigyan ng pantay na halaga ang lahat ng trabaho at alisin ang salitang “lang” sa bibig ng mga kabataan kasunod ng trabaho ng kanilang mga magulang sa tuwing tatanungin sila.

Alam naman ng lahat na ang mga manggagawa ang tinatawag na Co-creator of GOD, sapagkat sila ang nagpoproseso ng mga natural resources para magamit. Bilang isang kabataan, mahalagang maintindihan natin na ang mga paghihirap ng mga magulang nating manggagawa ang naglalagay ng pagkain sa mesa, dahilan kung bakit tayo patuloy na nakakapag-aral, ang mga nagalaga at nagaruga sa atin mula nuong tayo ay bata pa at walang kalaban laban sa mundo, sila ang nagtitiis na magtrabaho ng maghapon at kayang tiisin ang gutom, ika nga “di baleng wala ako, basta meron ang pamilya ko.” Ang mga manggagawang ito ay hindi hinihingi ang tulong natin sa ngayon dahil alam nilang hindi pa tayo handa, yun ang dahilan kung bakit nila tayo pinag-aaral, gayunpaman, ang ilan sa pwede nating gawin para sa kanila ay pakinggan sila at magpakita ng pagsuporta, ikarangal sa madla at wag na wag ikahiya. Sila, na nagtatrabaho ng humigit kumulang labing anim na oras sa buong maghapon at kulang pa rin ang sahod, sila na gagawin ang lahat may maihain lang sa mesa ng pamilya, sila na sa ngalan ng pagiging marangal ng sarili at trabaho ay hindi nagnakaw sa publiko, sila ang dapat nating ikarangal, hindi nakakahiya ang maging manggagawa.

sabi nga sa kanta “Hey moon, Please forget to fall down, Drawn to the ones who never yawn.”

Sa mga simpleng salitang ito, nabuo ang kongklusyon ko tungkol sa tunay na kalagayan ng manggagawa sa bansa, takot na silang lumubog ang buwan at sumilay ang umaga,sapagkat alam nila na habang papalapit ang umaga, mapipilitan silang tumigil sa paggawa at ipagpatuloy na lang sa ibang araw, takot sila, sapagkat ang pagtigil sa paggawa ay pagtigil ng pagpatak ng barya sa kanilang bulsa at uuwi sila sa kanilang mga bahay na may kakarampot na dala, ang iba buti na kung may isasaing na kanin at didildilan ng asin na pagkain, sila na halos hindi na matulog sa kakatrabaho, aalis ng madaling araw at uuwi ng gabing gabi, halos hindi na nga magkakabot abot ang pamilya sa sarili nilang bahay, ito ang pwede nating gawin, para sa mga hindi na halos nagpapahinga, sa mga pinipilit kayaning mawalan para magkaroon ka. kaya’t bilang kabataan ito ang sinimulan naming gawin para sa kanila, imbes na magsayang kami ng oras sa paggawa ng wala, sa pagrereklamo at hindi bumilang sa gumagawa ng solusyon,nagsama-sama ang mga anak ng manggagawa at mga iskolar ng bayan na ang matrikula ay kinukuha mula sa buwis ng mga manggagawa, bumuo kami ng isang maka manggagawang organisasyon para sa mga gustong ipakita ang pagsuporta sa kanila, kasabay nito ay maintindihan, mula sa kanilang karanasan na sila ang pangunahing biktima at hindi na dapat natin ito maranasan. Mahalagang malaman natin kung ano ang tamang gagawin kapag tayo na ang pumalit sa kanila, hindi dapat magpaloko, at kung ikaw ang nasa taas ay wag manloko, na ang pinaka mahalaga sa trabaho ay ang mabuting koneksyon ng employer at employee. Sa organisasyong ito ay mapagiisa ang mga kabataan, sa iisang layunin, makahanap ng mga bagong kaibigan, magtulungan sa akademya man o sa personal na problema, dito makakahanap ang mga kabataan ng paniniwalaan na magagamit sa hinaharap at masolusyonan ang may mga problema sa pakikitungo sa kapwa.

ANG SIMULA



Inasahaan naming lahat na hindi magiging madali ang pagbuo ng organisasyong ito sapagkat karamihan sa amin ay wala rin namang alam sa mga dapat gawin, bagamat may tumutulong sa amin, alam naming gabay lamang sila hanggang sa kaya na namin mag-isa. Para sa isang hamak na mag-aaral, mahirap nga naman na pagsabay sabayin ang pag-aaral at ang pagbuo ng organisasyon dahil mabusisi ito at nangangailangan ng sapat na panahon, pero dahil mga anak kami ng manggagawa at naiintindihan namin ang kanilang kalagayan ay pinipilit naming maglaan ng sapat na oras para dito at sa pag-aaral, dahil para sa amin hindi ito isang bagay na pwedeng pine petiks-petiks lang, ito ay aming obligasyon para sa kanila. Punong puno ng paghamon sa mga kabataan ang pagbuo sa organisasyong ito sapagkat lahat ay nakaabang kung kakayanin ba namin na patagalin ito, kung ano ang kahihinatnan, mapapabuti ba o mapapasama, kung tama bang buuin ito o hindi na lang, maraming nakaabang ng mangyayari, sa totoo lang, kami man, hindi alam ang magaganap sa kinabukasan, natatakot din kami, nangangatog ang tuhod sa halong kaba at sa di maipaliwanag na tuwa at kaginhawaan na meron kaming magagawa para sa kanila. Sa wari ba naming mga kabataan ay nakatingin sa amin ang mundo at hinihintay nilang kami’y madapa at magkamali para makasingit ang mga galing-galingang tao at ipamukha sa amin ang aming kasalanan at bumalik na lang kami sa pagiging walang kibo at magpaapi na lang muli sa mga mas matataas na tao, pero sa tingin ko, ang mga kabataan ngayon, habang pinipilit mo silang tumigil ay lalo silang nagpupursigi, habang tinatakpan mo ang kanilang bibig ay lalo silang sumisigaw, kaya’t habang hinihintay nila kaming magkamali ay tiyak na magagawa naming pagbutihin hanggang sa wala na silang masabing masama sa amin.


koi-

bayan ng mga busabos.... no way..


kawawa naman ang bayan ko... binabansagan ng bayan ng mga busabos...

ang hirap talaga mangumbinsi ng mga tao...
na kailangan ng kumilos ng lahat bilang nagkakaisang tao...

paulit-ulit nagpapaloko....
pag nakipagpalit ng pwesto'y manloloko....
ano pa bang kulang sa mga tao??
kailangan pa bang maulit ang martial law??


simulan daw sa sarili ang pagbabago?? punahin ang sarili bago ang ibang tao?
siguro'y may pera ang mga taong ito... kaya di nila alam kung bakit namin sinisisi ang gobyerno....

kapag ang isang manggagawa ay kumikita lamang ng 50 peso sa isang araw para ipang bili ng pagkain ng pamilya, ipang paaral sa mga anak.... pambayad sa kuryente, tubig, pambili ng damit??

ano pang matitirang ibina badyet mo?? kung magaling kang mag kalkula, mula pa lang sa 50 peso, alam mo ng walang pag asa...


sipag at tyaga daw.... ano pa nga ba?? 50% ng mga kumpanya at pabrika sa pilipinas ang kamakailan lang ay nagsara, dahilan upang mawalan ng trabaho ang milyong milyong pilipino.

pano na pag wala ng pera... pano na pag walang makain sa mesa?? lahat ng mali ay tama na... parang white lies na lang ang lahat... tutal para sa mabuti naman ang paggawa mo ng masama di ba?? yaan ang kadalasang pumapasok sa isip ng mga mahihirap na tao...

sayang hindi natin sila pinakikinggan... kasi... puro sarili tayo...

di niyo ba napapansin... na tuwing magsusulat tayo....

tuwing may sasabihin tayo....
lagi na lang... pagalingan... pataasan.. (e.g. "ay ako ganito...", "wala yan... ako nga ganito... " talo kita... ako ganito... ")

hindi ba pwedeng... TAYO??? imbis na ako???

"ay KAMI ganito...." "wala yan... KAMI nga ganito...." " Talo NAMIN kayo... KAMI ganito... "

di ba't mas masarap pakinggan kapag marami kayong nakakaramdam??

"ang mga nagsasabi na tigilan ang pamumuna sa iba....
ay di pa naranasang maloko ng IBA....
at least.... hindi sila aware na naloloko sila...."


ang hindi umamin sa kasalanan nila... ay makasalanan din...


ayokong matawag ang bayang kinalakhan ko bilang bayan ng mga busabos...

Thursday, May 28, 2009

TIK TOK MUKMOK.....

tik tak tik tak
nakakatakot ang oras na pumapatak.
tik tak tik tak
otso-otso ang trabaho kong wasak.

isang minuto ang nawala;
nababawasan din ang kita.
pano na pag nagkasakit ako?
anong kakainin ng pamilya ko?

kailangan magtrabaho,
sampu ang pinag aaral ko.
kapag nabawasan ang oras ng paggawa;
anong kailangang mawala?

pagkain, bahay, tubig, damit
ano bang aking uunahin?
tik tak tik tak
trabaho, pera, trabaho, pamilya....

-koi-

Sunday, May 24, 2009

i miss my light.... so much....

My light is going somewhere I cannot follow;
My light is going somewhere I cannot reach;
If I ask my light not to leave...
I know she would get mad at me, automatically.

I don't want my light to go..
at least not where I cannot follow..
I don't want my light to go...
For I will be embraced by shadows...

Ive lived my life with her....
with shadows falling behind me....
and now my light is fading....
could this be the start of my bitter ending?

I hate the darkness;
but I will be strong;
for I know my light will return...
In time she'll be HOME.

-koi-

with this pen...

you go away in the mid-morning;
and arrives late in the evening;
you will always look so tired...
but still, you smiled...

you work 8 hours a day...
and work 8 hours at night....
and at this point I have to ask...
do you ever get tired?

I saw you cry that one time..
you said "ill do it for you, anytime"
I don't know why it felt heavy,
You really would give anything for another penny...

I'm sorry it took this long...
for me to figure out what is wrong...
And as I write with this pen in my hand...
I hope you'll be proud even if this isn't grand...


-koi-

Thursday, February 12, 2009

hindi ko mapigilang mag isip..

siguro ang pinakamasakit na mangyayari sa akin ay ang palayuin ako sa bagay na minahal ko... ang pagbago sa nakasanayan ko...


ayokong umalis ng the catalyst... kahit isipin... ayoko... gusto ko ng manatili dito mula pa nung malaman kong natanggap ako.. mas lumalim pa ang pagkagusto ko nung umalis yung kasama ko at naiwan ako... napaisip ako.. mula nuon.. alam kong hindi ko siya tutularan.. mananatili ako at kakayanin ko dahil ginusto ko ito.. ito ang gusto ko... ito... para akong nagmamahal ngayon... di ko mapigilan ang pag apaw ng aking emosyon... gusto kong ibigay ang lahat lahat para dito.. para sa mga paniniwala ko... pinagliwanag nila ako... itinataas at pilit ibinabangon tuwing nanghihina at sumusuko.. ang tanging kinatatakutan ko na lang sa ngayon ay kung bibitiw sila... ayokong isipin... wag naman.. wag sana muna silang magsawa... wag muna...

Thursday, February 5, 2009

patay na si nena...

pumipiglas, Lumalaban, nanghihina at nawalan ng malay....

(boses ng isang reporter)

natagpuan ang katawan ng isang kinikilalang disisais anyos na si nena, sa ilalim ng tulay dito sa escolta, halos malamog ang katawan ng bata dahil sa mga tinamo nitong pasa at sugat sa katawan at sa hita, pinaghihinalaan ng mga pulis na ang batang ito ay biktima ng pang gagahasa at walang habas na pagpatay ayon sa mga saksi ay mayroon nga daw batang sigaw ng sigaw sa pangalan ng kanyang ina at makaraan ang ilang sigundo ay nakarinig sila ng isang malakas na sigaw at bigla itong tumigil... "alam naman ho namin na may nangyayari na, pero ayaw na namin madamay, normal na rin naman kasi dito yan kaya aksaya lang rin sa oras.." yan ang pahayag ng isang ale na ayaw magpakilala."


"ang aking anak.. ang kawawa kong anak..." halos madurog ang puso ni aling kristina habang nakaupo sa malamig na semento ng kalsada habang yakap ng dalawang kamay ang duguang katawan ni nena... "kaawa awa naman itong nanay na to.." naisip isip ko habang kausap ko ang chief ng aming police station.. ibinaba na sa amin ang utos na dalhin sa ospital ang katawan para magawan ng otopsy pero nung sinabi ko na kay aling kristi ang gusto naming gawin ay bigla itong naghuramentado, nagwala at nagsisisigaw ito.. "mga walanghiya kayo!!! saan niyo dadalhin ang anak ko? anong otopsy pa ba ang gagawin niyo? alam ko ang otopsy na yan... gagawan niy0 ng kung ano anong test ang katawan ng anak ko!!! patahimikin niyo na siya.. lamog na ang katawan niya!!!" patuloy si aling kristi sa pagsigaw at pagwawala... malapit na kaming mawalan ng pag asa at tuluyan ng isuko ang kaso tutal ayaw naman makipag tulungan ng pamilya ng bata kaya lang biglang dumating si mang nestor, nagpakilala siya sa mga bataan ko bilang ama ng bata, ng marinig ko ito ay agad kong sinabi sa kanila na papasukin siya at tulad ng inaasahan, dali dali nitong tinakbo ang nagwawala niyang asawa at niyakap ito.

hindi na ako nagsayang ng oras... tinanong ko agad si mang nestor kung pwede siyang makausap ng sarilinan, pinahintulutan naman niya ako, lumayo kami ng kaunti kay aling kristi at sa katawan, sinabi ko agad ang pakay ko sa kanya at sa katawan... panandaliang kumunot ang noo niya na para bang nagiisip at makalipas ang limang minuto ay nagsalita siya.. "basta isoli niyo ang anak ko.." yun ang mga sinabi niya... napatigil ako ngunit tumango rin pagkatapos, hinawakan niya ang kanyang asawa at sinabing gawin namin ang dapat naming gawin... naging maingat naman kami hanggang sa maisakay ang katawan sa ambulansya... hinding hindi ko makakalimutan ang mukha ng mag asawang iyon... muli ko silang tinapunan ng tingin bago ako tuluyang sumakay sa patrol car namen... hawak ni aling kristi ang kamay ng kanyang asawa habang isinusubsab ang lumuluhang mukha sa dibdib ni mang nestor na nuong mga panahong iyon ay nakakapit din sa kanyang asawa habang bumubulong ng mga salitang di ko na marinig... pero alam kong pinalalakas lang nito ang loob ng babae... nakikita ko ang hingpis ni mang nestor.. nakikita ko sa mapupula niyang mgata na pinipigilan niyang lumuha lalo't sa harap ni aling kristi...

>>>to be continued