Thursday, January 13, 2011

ANAK, WAG KA NG UMIYAK

Anak, wag ka ng umiyak
kapag umalis kami ng iyong ama sa umaga
magtatrabaho lang kami para kumita ng pera
para maibigay namin ang lahat ng gusto mo

Ibibili ka namin ng bagong damit
para may panggala at pang porma ka
Ibibili ka namin ng bagong gamit
para may maipag mayabang ka sa iba

Anak wag ka ng umiyak
ilang oras lang naman tayong magkakalayo at di magkikita
pangako, mamaya, Katabi kita sa kama
baka nga lang tulog ka na

Paggising mo anak, malamang nakaalis na kami
Pasensya ka na hindi ko narinig ang kwento mo kagabi
Nasigawan kita at pinagalitan ng walang dahilan
Pagod lang ako anak, sana'y iyong maunawaan.

Anak, wag ka ng umiyak
Hindi naman namin intensyon na ikaw'y pabayaan
Wag mo sanang isipin na ikaw'y aming iniiwan
Patawad sa mga oras na ikaw'y aming nasasaktan

Para sa mga pangako naming napapako
Para sa mga lakad ng pamilya na ikaw lang ang nakakapunta
Para sa mga okasyon sa buhay mo anak na di kami nakasama
at sa mga luha mong hindi na sana dumadaloy pa.

*All adults are the same, but what defines them is their child.
ngunit kahit ano pa man ang mangyari.. naniniwala naman akong mayroong "unspoken words/gestures" sa pagitan ng isang anak at ng magulang nito...

ang mahalaga, kahit di sinasabi ay alam ng mga bata na:
MAHAL SILA NG MAGULANG NILA AT GINAGAWA NILA IYON PARA SA KANILA

at sa mga magulang na:
MAHAL SILA NG MGA ANAK NILA.. AT ANG PINAKA IMPORTANTE... NAIINTINDIHAN NILA KAYO AT IINTINDIHIN NILA KAYO... :)

Trip To ZAMBA!!

isang madaling araw sa tundo
apat na tao ang gising at pagka gulo gulo
balot ng damit, paroo't parito
kamera! kamera! ang sigaw pa ng isa

Sa Zambales kami papunta
sa Inay, ako at mga kapatid ko
Kanyang mga katrabaho at pamilya nito
sa isang salita "masaya"

Parang isang malaking Pamilya
nang makarating sa Zamba ay nagkagulo na
Pili ng kwarto, kanino ang kanino
hindi na alam kung saan pupuwesto

Nag swimming sa pool at di pa nakuntento
sa katabing dagat tumalon, lumangoy at sumirko sirko?
naglarong kaming parang mga bata kasama ang matatanda
hanggang sa tuluyan ng pinasuko ng pagod at bumibigat na mata

isang maulan na umaga
namamaalam na sa Zamba
sana, kahit isang ulit pa
makabalik at muling makapagsaya.. sa ZAMBA.


*sa mga nakasama ko sa trip na ito.. I really did enjoy.. thanks!